POSTCOLONIALISM
~This theory does not only
attempts to focus on the colonizers but also on the oppression of those who
were ruled under colonization.
~ deals with the reading and writing
of literature written in colonizing countries which deals with colonization or
colonized people.
~ a set of theoretical and and
critical strategies used to examines the culture, literature, politics, history
of former colonies.
Kahapon, Ngayon at Bukas - Aurelio
Tolentino
MGA TAUHAN
INANGBAYAN (PILIPINAS)
DILAT NA BULAG (ESPANYA)
BAGONGSIBOL (AMERIKA)
MASUNURIN (BABAING PILIPINA)
TAGAILOG(ANG KATAGALUGAN)
MATANGLAWIN (GOBYERNO NG KASTILA)
MALAYNATIN (GOBYERNONG AMERIKANO)
ASALHAYOP (MAPAGLILONG TAGALOG)
DAHUMPALAY(MAPAGLILONG TAGALOG)
HARINGBATA (HARING INTSIK)
HALIMAW (PRAYLE)
WALANG TUTOL (LALAKING PILIPINO)
Mga taong bayan, mga Hukbong
Tagalog, mga Hukbong Intsik, Kapisanan ng Cruz Rojang babae, mga kawal na
rebulosyonaryo, mga batang lalaki’t babae, bandang musika ng Hukbong Tagalog,
mga Kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang Haring Kamatayan, Rehimiyento ng
Artiller, Infanteria at Ingeniena.
BAHAGI I
(Isang bakurang may sagingan at iba
pang halaman sa tabi. Sa gitna ay isang balag.)
LABAS I
(Asalhayop at mga taong bayan.
Nangakahanay ang babae sa kanan at ang mga lalaki naman sa kaliwa. Nanga-taas
ang kanang kamay nilang lahat, na tumatangan sa kopang ginto. Masasaya ang anyo
nila.)
(Asalhayop, Masunurin, Walang tutol,
mga taong bayan.)
Walangtutol : Mag-inuman,
magsayawan.
Masunurin : Si Asalhayop ay
ipagdiwang.
Koro : Ipagdiwang.
1.o : Mapala ang kanyang buhay.
1.a : At lumawig habang araw.
2.o : Habang araw.
Walangtutol : Dangal niya’y huwag
dadalawin ng siphayo’y ng hilahil.
2.a : Huwag dadalawin.
3.a : Dangal niya’y magluningning sa
ligayang sasapitin.
Koro : Magluningning.
Masunurin : Madlang puri, madlang
biyaya sa kaniya’y sumagana.
Koro : Sumagana.
3.a : Madlang yaman, madlang tuwa sa
kaniya’y lumawig nawa.
Koro : Lumawig nawa.
Asalhayop : Katoto’t giliw, mga
kaibigan, sa inyo’y salamat nang habang buhay.
Ang inyong nais na tungkol sa akin
ay aking biyaya sa sasapitin.
Kayo ang dangal ko, at kayong tunay
ang tanging suhay sa aking buhay.
(Lalapitang isa-isa ni Asal. Ang mga
Koro at ipipingki sa kani-kanilang kopa ang kanyang hawak.)
Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan,
limutin ang kalumbayan.
Koro : Mag-inuman.
(Anyong iinumin ng lahat ang laman
ng kani-kanilang kopa.
Biglang lalabas si Ina, at si Tag.
Magugulat ang mga dadatnan.Titigan sila ng kagulat-gulat ni Ina.)
LABAS 2
(Sila rin, Inangbayan, Tagalog)
Inangbayan : Mga walang loob,
mga walang damdam,
bago’y nagluluksa
ang kawawang bayan.
Mga walang puso,
mga walang dangal,
nahan ang pangakong
kayo ay dadamay
sa mga pumanaw?
(Tatawa nang malakas si Asal at
ituturo si Ina.)
Inangbayan : Asalhayop!
Asalhayop : Masdan ninyo si
Inangbayan,
Ang buwisit at manggagaway.
(Magtatawanan ang koro.)
Humayo ka, Inangbayan,
Huwag sabihin ang patay.
(Magtatawanan ang koro.)
Koro : Mag-inuman.
(Anyong iinumin ang laman ng mga
kopa.)
Inangbayan : Huwag!
Huwag ninyong lagukin, huwag ninyong
mainom ang
hinahawakang alak na may lason.
(Magtatawanan ang koro.)
Ang inyong kaluluwa ay
malilinggatong, kayo’y isusumpa ng
mga pahanon.
(Magtatawanan ang koro.)
Mainit pang tunay sa mga buruhan ang
bangkay ng inyong nuno at magulang.
(Magtatawanan ang koro.)
Hayo at mag-isip ng tinutunguhan,
hayo at bakahin ang mga
kaaway.
(Mahabang tawanan nila Asal at ng
Koro.)
Koro : Magsayawan.
(Iinumin ni Asal, at ng Koro ang
laman ng mga kopa. Tititigan sila nang kagulat-gulat ni Ina.)
Inangbayan : Mga walang kaluluwa!
Ang inyong mga kasayahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan ng ating
marangal na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman sa ibutod ng inyong mga
puso ang lamig ng kamatayan ng bayan? Hindi baga kayo nangahihiya sa sarili,
ngayong kayo nangagsasayahan sa ilalim ng talampakan ni Haringbata ang magiging
anak ni Hingiskang?
Asalhayop : Mahusay manalumpati ang
ating ina, ang mangangaway.
Inangbayan : Asalhayop!
Asalhayop : Bigyan ako ng kaunting
alak.
Koro : Kami man.
Inangbayan : Ako man.
Asalhayop : Kita ninyo? Kita ninyo’y
huminging kusa, pagkakitang hindi natin siya alintanahin?
Magaling na talaga si aling
inangbayan.
Asalhayop : (Kay ina) Heto ang alak
na alay ko sa iyo. (Bibigyan siya ng isang kopa.) Mag-inuman!
(Itataas ni Asal at Koro ang
kanilang mga kopa.)
Walangtutol : Mabuhay si Asalhayop!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : Sumpain nawa ni Bathala
ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang tunay na araw ng
kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng pagkalugso ng ating
kahambal-hambal sa Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi!Taos
sa puso ko yaring sumpa, at sa katunayan ay… ayan!
(Ipupukol sa lupa ang kopang hawak)
Asalhayop : Inangbayan!
Koro : (Biglang lalapitan ni Asal at
tatampalin. Si Ina, ay mabubuwal, kasabay ng pagtawa ng Koro.)
Asalhayop : Manggagaway!
(Kasabay ng tampal at tawanan.
Kasabay ng pagsakal sa kanya at pagtindig ni Ina.)
Walangtutol : Huwag! Bitiwan mo.
Asalhayop.
(Bibitiwan.)
Inangbayan : Asalhayop,
paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni Mandagaran, ang taksil
mong kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kanya, kayong mga anak kong
pinakamamahal, ay nangahawa na mandin sa kanyang sawing palad. Dinudusta ninyo
sa libingan ang dangal ng inyong mga nuno.
Ah! Hindi ko inakala kailan pa man,
na kayo’y hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat dito sa
Dulong-Silangan.
Mga anak ko, mga bunsong
pinakaiibig, kayo’y nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob,
pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso
ng bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay lilimutin din ninyo ang
libingang luksa ng inyong mga magulang.
Kayo’y nangabulag na lubos. Buksan
ninyo ang inyong mga mata.
(Biglang itataas ang tabing. Lilitaw
ang mga libingang may mga pangalang sulat sa panahong una at may mga sabit na
luksa at sari-saring putong.)
Ayan at tanawin ninyo sila!
(Mangagluluhuran si Tag at Koro at
mangangahulog sa kanilang kamay ang mga kopoang hawak, tanging hindi lamang si
Asal at tatalikdan ang mga nasabing libingan.)
Sa mga libingang iyan ay nalalagak
ang mga buto nila Gat-Salian, Bituin at laksa-laksang iba pang bayaning kawal
ng bayan.
Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang
araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta ninyo ang daklilang
pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng
kapalamarahan ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy
na ninyo ang inyong baliw na kasayahan, 3 colors ipagpatuloy na ninyo, mga
bunsong ginigiliw, nguni’t pakiusap ko lamang, na doon sa ibabaw nila, sa
ibabaw ng mga libingang iyan, ay doon kayo mag-inuman ng alak, doon kayo
magsayawan at mag-awitan, doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang
sabit, doon ninyo huwag tugutang libakin ang inyong sariling dangal.
(Tatangis at marahang lalakad na
tungo sa mga libingan.)
Mga bunsong pinakamamahal! Paalam
ako sa inyo! Paalam ako sa inyo!
(Mahuhulog na muli ang dating
tabing.)
LABAS 3
(Sila rin, wala lamang si
Inangbayan)
Tagailog : Mga kapatid ko!… Oh!
Ano’t kayo’y nangalulumbay? Dahil baga sa pag-aalala ninyo sa nalugsong buhay
ng bayan sa araw na ito? Ah, tunay nga! Sapul noon hangga ngayon ay dalawampung
taon nang singkad,dalawampung taong pagkakaalipin. Nguni’t huwag. Ngayo’y
nahahanda nang lahat kapag kayo’y umayos sa aking mga panukala…
Koro : Magsabi ka!
Tagailog : Ibig baga ninyong bawiin
sa kamay ng kaaway itong bayang sinamsam nila sa kamay ng ating mga magulang?
Koro : Ngayon din.
Tagailog : Tayo na’t magsandatang
lahat.
Koro : Tayo na.
(Aalis na lahat, matitira si Asal.)
LABAS 4
(Asalhayop)
(Tatanawin ang mga nagsisialis)
Asalhayop : Mga mangmang!
Ang mga taong ito ay may mga walang
pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop
kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong
magsipamuhay, nguni’t ang mga taong ito ay hindi.
Nangatatahimik ang aming mga
magulang. At ano? kung ipaghiganti ko baga sila ay mangabubuhay pa kayang muli?
Babawiin daw ang kalayaan ng bayan. At bakit pa? Mabuti ang may salaping alipin
kaysa mahirap na laya. Mga hangal!
(Magkukuro) Mabuti nga.
Hahanapin ko ang mga Intsik, hahanapin
ko si Haringbata at aking sasabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. Salapi na
naman ito!
(Anyong aalis. Lalabas si
Haringbata.)
LABAS 5
(Asalhayop, Haringbata, mamaya’y
Inangbayan)
Haringbata : Asalhayop.
Asalhayop : Ako po’y sumasayapak mo,
dakila’t marangal na Haringbata.
Haringbata : Salamat.
(Lalabas si Ina, at manunubok sa
tabi ng tabing. Hindi siya makikita ng dalawa.)
Asalhayop : Ako po sana ay talagang
paparoon sa inyong bahay at may nasang sabihing malaking bagay.
Haringbata : Ano yaon?
Asalhayop : Si Tagailog at lahat
niyang kasama, na pawang kapatid niya’t kapatid ko rin ay kaaalis din po dito
ngayon. Mangagsasakbat ng sandata at kayo po ay babakahin.
Inangbayan : (Mapaglilo!)
Haringbata : Tunay?
Asalhayop : Tunay po.
Haringbata : At bakit daw?
Asalhayop : Ibig daw po nilang
mabawi ang kanilang kalayaan.Haringbata : Mga masiging! At saan nangaroon?
Asalhayop : Ewan po, hahanapin ko
sila at pakikialaman ko ang kanilang lihim, upang di maipagbigay alam ko sa
inyo at mangahulog sa inyong kamay.
Inangbayan : (Buhong!)
Haringbata : Salamat. Talasan mo ang
iyong mga tainga’t mata. Heto ang salapi mong bayad.
(Bibigyan ng salapi)
At kung mangahulog na sila sa ilalim
ng aking kapangyarihan ay dadagdagan ko pa iyan, at bibigyan kita ng katungkulang
mataas.
Asalhayop : Salamat po.
Haringbata : Hihintayin kita ngayong
gabi sa aking bahay, at ipagbigay alam mo sa akin ang lahat nilang panukala.
Heto ang tandang ilalahad mo sa taliba upang di ikaw ay papasukin.
(Bibigyan siya ng isang tsapang
tanso at aalis.)
Asalhayop : Asahan po ninyo.
(Titingnan ang salapi.)
Heto ang salapi ko, heto ang tunay
na Ina kong bayan, ang tunay na Bathala. At madaragdagan pa; at matataas pa ang
aking katungkulan.
Sayang palad!
Inangbayan : ( Walang puri! )
LABAS 6
(Sila rin, Tagailog)
Asalhayop : Tagailog, hinahanap
kita.
Tagailog : Ako’y gayon din, kita’y
aking hinahanap.
Asalhayop : Sasalakayin baga natin
si Haringbata?
Tagailog : Oo, bukas. Humanda ka’t
ikaw ay kasama.
Asalhayop : Papaano ang paraang
gagawin natin?
Tagailog : Ako’y magdadala kunwari
ng buwis.
Asalhayop : Mahusay. At saan tayo
dadaan?
Tagailog : Sa tabing-dagat ang
kalahati, at ang kalahati naman ay sa Diliman. Heto na’t nagdadatingan ang
ating mga bayaning kawal, kasama ang mga babaeng tagapagsiyasat ng sugatan.
LABAS 7
(Sila rin, Walangtutol, Masunurin,
Korong lalaki at babae. Ang mga lalaki ay pawang sandatahan.)
Walangtutol : Tagailog, narito na
kami.
Tagailog : Hintayin natin ang mga
ibang kasama.
Asalhayop : Ako’y kasama ninyo,
nguni’t ako’y uuwi pa muna sandali.
Tagailog : Hihintayin ka namin dito,
at dito tayo magbubuhat sa pagsasalakay kay Haringbata.
Asalhayop : Asahan ninyong ako’y
darating. Asahan ninyong kung saan kayo mamatay ay doon din ako magpapakamatay.
Paalam.
(Anyong aalis.)
Koro : Mabuhay si Asalhayop.
Inangbayan : (Kay Asal.) Hintay!
Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop.
Asalhayop : Ako?
Inangbayan : Ikaw.
Lahat : At bakit?
Inangbayan : Ako’y may itatanong sa
kanya dito sa harapan.
Masunurin : Ano kaya?
Koro : Ano kaya?
Inangbayan : Asalhayop, wala ka
bagang taglay na salapi ngayon?
Asalhayop : Wala.
Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala
raw. At wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa katawan?
Asalhayop : Salupikang mangkukulam! Ano’t
itinatanong mo?
Inangbayan : Wala ka bagang taglay
na kahit anong tanso sa katawan?
Sumagot ka.
Lahat : Sumagot ka.
Asalhayop : Wala. Anhin ko ang
tanso?
Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw
siyang taglay na salapi, at wala rin namang taglay na kahit anong tanso.
(Tatawa nang malakas si Ina.)
Asalhayop : Ngitngit ni Bathala!
Ano’t nagtatawa ka?
Inangbayan : Dakpin ninyo at
ipinagbili tayong lahat kay Haringbata.
Lahat : Oh!
Asalhayop : Ako?
Inangbayan : Ikaw.
Asalhayop : Sinungaling si Inangbayan.
Sinasabi kong sinungaling si Inangbayan.
Inangbayan : Mga bunso, siyasatin
ninyo ang katawan ni Asalhayop, at may taglay na salapi, at may taglay na
tanso.
Tagailog : (Sa Koro) Siyasatin
ninyo.
Asalhayop : Hindi ako pasisiyasat.
Tagailog : Dakpin ninyo.
(Tatanganan si Asal ng mga
sandatahan ng mga babae ang kanyang katawan. Makukunan sa bulsa ng salapi at
isang tsapang tanso.)
Masunurin : Tunay nga!
Lahat : Tunay nga!
Tagailog : Ano’t ipinagkaila mo ang
iyong taglay?
Asalhayop : Ako’y… sapagkat…
Datapwat…
(Tatawa nang malakas si Ina.)
Inangbayan : Yayamang hindi niya
matutuhang turan ay aakuin ko na siya at ako na ang magsasabi.
Asalhayop : Inangbayan! Mahabag ka!
Tagailog : Sabihin mo, Inangbayan.
Lahat : Sabihin mo.
Asalhayop : Inangbayan!
Inangbayan : Ang salaping iyan ay
siyang pinagbilhan ng nilako niyang buhay ng bayan kay Haringbata.
Lahat : Oh!
Inangbayan : At ang tansong iyan ay
siyang ilalahad sa mga taliba ng kaaway, upang siya’y papasukin at maisiwalat
ang ating lahat ng lihim.
Asalhayop : Sumpa ng Apo! Ngitngit
ni Mandagaran!
Inangbayan : Pagmasdan ninyo ang
tanso at may tatak marahil ni Haringbata.
(Pagmamasdan ng lahat ang tanso)
Masunurin : Tunay nga.
Koro : Tunay nga.
Walangtutol : Kay Haringbatang
tatak.
Tagailog : Asalhayop!
Asalhayop : Patawad!
Inangbayan : Ngayon at inyo nang
nakilala kung sino nga si Asalhayop, ay paalam na ako sa inyo.
(Tuloy aalis. Anyong hahabulin ng
lahat.)
Lahat : Inangbayan?
LABAS 8
(Sila rin, wala lamang si
Inangbayan)
Tagailog : (Kay Asal) Oh! Walang
pusong kapatid! Walang dangal! Sa mga ugat mo ay tumatakbo ang maruming dugo ni
Lakasalian, yaong taksil na nagpagapos ng leeg ng ating kawawang Inangbayan,
kay Hangiskang na ama ng suwail na Haringbata.
Pagmasdan ninyo’t kumikislap sa
kaniyang mga mata ang alipato ng kanyang paglililo.
Bayang Tagalog, tandaan ninyo yaring
hatol.
Dapat mahalin ang ating mga kapatid,
ang ating mga magulang, ang ating sariling buhay, nguni’t lalo pa nating dapat
mahalin ang dangal ng ating kahambal-hambal na Inangbayan.
(Sandaling palipas) Kaya nga, ang sino
pa mang maglilo sa kanya, kapatid man natin o magulang kaya, ay huwag
pagpitaganan; takpan ang mata ng awa at idalhag siya sa bangin ng lalong
dustang kamatayan, at idagan sa kanyang ulo ang matinding sumpa ng ating
pagkakapaalipin.
(Sandaling palipas) Bayang Tagalog,
kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha nating bantad, at pabayaan
nating makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo ng ating mga
kaluluwa, ay magkaroon man lamang tayong kaunting tapang sa pagkitil ng
sariling buhay. Ibuhos natin ang ating dugo,lamurayin natin ang ating laman,
iwalat natin ang ating mga buto, huwag na lamang kumalat-kalat sa lansangan ang
mabusilak na dangal ng liping Tagalog, huwag na lamang tayo ring ito ang
maglublog sa putik ng lagim, ng kagalang-galang na mukhang tumatangis ng ating
kahabag-habag na Inangbayan.
(Sandaling palipas) Bayang Tagalog,
si Asalhayop ay nagtaksil. Sunugin siyang buhay.
Koro : Patawad!
Tagailog : Bayang Tagalog, kung
malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako naman ay lalo pa, nguni’t lalo pang
malaki ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan. Inilako ni Asalhayop si
Inangbayan kay Haringbata, kaya dapat siyang mamatay, sapagkat dapat na lipulin
ang lahat ng halamang lasong tumubo at umusbong sa lupang Tagalog.
(Sandaling palipas)
Sunugin s’ya ng Buhay.
Koro : Patawad!
Tagailog : Bayang Tagalog, bayang
pinakamamahal kong lubha, wala sino pa mang makasasalag sa madaling hampas
niyaring hatol. Ibig ko pang ako’y mamatay, huwag na lamang ipahutok ang
katuwiran. Kaya nga, sinumang may nais na humingi ng patawad na naitong suwail,
ay patayin na muna ako, saksakin na muna yaring dibdib. Alin sa dalawa: mabuhay
ang kataksilan at ako ang mamatay ang kataksilan
(Sandaling palipas)
Sunugin siyang buhay.
Koro : Patawad!
Koro : Oh! Bayang Tagalog! Bayan ng
marangal nan liping Tagalog, huwag mong ihingi ng patawad ang nagtaksil sa
dakilang dangal ng ating mga kasulatan.
(Bubunutin ang kanyang sundang.)
At yayamang ayaw ako ilugso ng mga
nagtatanggol sa kanya, ako ang maglulugso sa mga sasago’t sasanla sa aking
matatag na hatol. Iwawalat ko ang dibdib ng balang kumibo, hahalukayin ko ang
puso ng balang magsigaw ng wikang “Patawad”.
(Itataas ang kanyang sundang.
Mapapaurong ang lahat.)
Tagailog : Hukbong Tagalog, lahi ng
katapangan, mga anak sa digma, tulinan ninyo.
Napaparam ang ulap ng sakim,
sumisilay ang araw ng kalayaan: (Tuloy pasok)
LABAS 9
(Masunurin, Korong Babae)
Masunurin : Laban kayo, mga kawal,
at bawiin itong bayan.
1.a : Sandali pa’y ating tunay na
tagumpay.
Koro : Ang tagumpay.
Masunurin : Nagkaabot ang hukbo at
nagkahalubilo.
2.a : Laban kayo, laban kayo, ang
kalaba’y…
Koro : Tumatakbo.
Masunurin : Hayo’t abuluyan ang mga
sugatan.
Koro : Abuluyan.
LABAS 10
(Maglalabasan ang mga kawal na
Intsik, karamiha’y sugatan at nagabubuwal.)
Masunurin : Huwag bayaan , ito’y
ating katungkulan.
LABAS 11
(Sila rin, Haringbata, Inangbayan,
mamamaya’y si Tagailog. Kaladkad ni Haringbata si Inangbayan.)
Haringbata : Papatayin kita.
Koro : Si Inangbayan.
(Lalabas si Tagailog)
Tagailog : Haringbata!
(Sabay saksak. Mabubuwal si
Haringbata.)
Haringbata : Mamamatay ako!
Koro : Patay si Haringbata!
LABAS 12
(Sila rin, kawal na Tagalog)
Tagailog : Ating-ating ang tagumpay.
Atin ang ating katuwiran.
Inangbayan : Mabuhay si Tagailog.
Koro : Mabuhay!
Tagailog : Mabuhay si Inangbayan!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : Mabuhay ang ating
kawal!
Koro : Mabuhay!
Tagailog : Mabuhay ang ating lipi sa
lilim ng kalayaan!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : (Tatanaw sa kanan.) Sino
ang mga dumarating?
Tagailog : Sino kaya?
Koro : Sino kaya?
(Tutugtugin ang Marcha Red Española
at lalabas si Dilat-na-bulag at Matanglawin.)
LABAS 13
(Sila rin, Dilat-na-
bulag,Matanglawin.)
Inangbayan : Sino kayo?
Dilat-na-bulag: Ako’y si Dilat-na-bulag.
Matanglawin : Ako’y si Matanglawin.
Tagailog : Kalaban ba kayo?
Dilat-na-bulag: Kami ay kaibigan.
Inangbayan : Ano ang inyong nais?
Matanglawin : Ang kayo’y iligtas sa
pagkapanganyaya
Tagailog : May sakuna baga?
Dilat-na-bulag: Mayroon.
Matanglawin : Tanawin ninyo sa
dakong kanan ang tila wari nagdidilim na langgam na paparito, at yao’y mga
kawal na babaka sa inyong bayan.
Inangbayan : At sino nga sila?
Dilat-na-bulag: Mga kapatid din
ninyo.
Tagailog : (Sumpa ng langit!)
Koro : Sumpa ng langit!
Matanglawin : Tanawin naman ninyo sa
dakong kaliwa ang lalo pang makapal. Babakahin kayo.
Inangbayan : At sino naman ang mga
iyon?
Dilat-na-bulag: Inyo ring mga
kapatid.
Tagailog : Sumpa ni Bathala!
Koro : Sumpa ni Bathala!
Matanglawin : Tanawin ninyo sa
dakong yaon ang maraming kawal na mapuputi. Yaon ay aming hukbo. Tanawin ninyo
sa dagat ang mga sasakyang pambaka. Ang lahat na iyan ay amin. At kung kayo ay
kakapatid sa amin, ang aming ari, ang aming hukbo, ang aming mga sasakyan at ang
aming mga puso at kaluluwa, ay inyo ring lahat. Ipagtatanggol namin kayo sa
lahat ng ligalig at pagkapaalipin.
Inangbayan : Tapat baga ang inyong
pakikipagkapatid sa amin?
Dilat-na-bulag: Tapat.
Tagailog : Hindi ninyo bibigyang
ligalig ang kalayaan ng aming mga anak?
Matanglawin : Hindi.
Inangbayan : Matatalaan ninyo ang
gayon?
Dilat-na-bulag: Oo.
Inangbayan : Bayang Tagalog, narinig
ninyong lahat. Sumagot kayo.
Koro : Kami ay pumapayag.
Matanglawin : (Kay Tagailog.) Talaan
mo ito.
(Bibigyan ng pergamino, tatala si
Tagailog.)
Tagailog : Ayan. At ikaw?
Matanglawin : Tatalaan ko ito.
(Tatala rin sa isang pergamino.) Ayan.
Inangbayan : Ngayon, ang sumpaan.
Dilat-na-bulag: Ang sumpaan.
Lahat : Ang sumpaan.
(Isasaksak si Tagailog at
Matanglawin ang kani-kanilang sundang sa bisig sa kaliwa, sasahurin sa isang
sarong ginto ni Ina ang dugo ni Tagailog at si Dilat-na-bulag naman ang kay
Matanglawin.)
Dilat-na-bulag: (Kay Tagailog)
Inumin mo ito.
Inangbayan : (Kay Matanglawin)
Inumin mo ito.
(Tatanggapin nila Tagailog at
Matanglawin ang mga sarong ginto.)
tagailog : Sa sarong gintong iyong
tangan ay nalalamang totoo ang dalisay na dugo ko dugong tunay ng bayan ko.
Matanglawin : Sa sarong gintong
iyong tangan ay tunay na nalalaman yaring duro kong dalisay na dugo ng aking
bayan.
Lahat : Inumin ninyo.
Dilat-na-bulag: (Hahawakan ang kamay
ni Ina.)
Ang kamay kong iyong tangan
ay kamay ng aking bayan,
kung di mo pagsisiluhan,
ang dito’y pinagsumpaan,
kamay na ito’y mag-aalay
sa iyo ng biyayang tunay.
Nguni’t kung lalapastangan,
kamay na ito ay tatangan
ng sundang na kamandagan,
ang puso mo’y tatarakan.
Inangbayan : Sa dibdib ko’y
masisilip
ang dalisay kong pag-ibig,
ang kaluluwa kong malinis,
ang mga banal kong nais
na sa atin ay bibigkis,
ang puso ta’y nang magkatalik.
Nguni’t kung magbabalawis
sa ating pagkakapatid,
pag-ibig ko’y magngingitngit
at sa iyo’y siyang tutugis.
Koro : Kami naman ay gayon din.
Tagailog : Ang magtapat ay mabuhay.
Koro : Mabuhay.
Matanglawin : Ang magtaksil ay
mamatay.
Koro : Mamatay.
Inangbayan : Ang dugong iya’y maging
lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwa’t kung magsusukab sa buhay
niya’y maging lason at kamandag.
Lahat : Inumin!
(Iinumin ni Tagailog at Matanglawin
ang dugo. Mahuhulog na bigla ang tabing.)
CRITICISM:
I say that this play can be a
post-colonial literature because the play centers the resistance of some
characters against the colonizers.
Inang Bayan for intance, showed her
care for the country by telling her children to wake up to the truth about the
real situation happening in the country.
The play started by showing
Asalhayop and his companions having drink for their celebration, InangBayan
showed herself and telling Asalhayop that while they are celebrating the
country's grieving for the heroes who died saving the country against
conquerors. Upon hearing the statement of InangBayan, the celebrators decided
to fight back against the colonizers but AsalHayop secretly traitor them by
selling his fellowmwn to the colonizers and told them about the plans of
revolt. Inangbayan heard all of this and immediately repoted it to Taga-ilogs
(the Filipinos). Upon discovering Asalhayop traitorship the Tagailogs finally decided
that AsalHayop should be killed.
The play centers how Filipinos
(although with another name or characterization) made a revolt against their
colonizers and to gain freedom for their oppressors.
It can be a post - colonial theory
for it depicts the resistance of the colonized against their colonizers.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento